PatrolPH

Barangay sa QC may pa-libreng sakay gamit ang e-bike

Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2022 06:55 PM

Gamit ang e-bike, may pa-libreng sakay ang Barangay Dioquino Zobel, Quezon City sa mga estudyanteng nakatira sa kanilang lugar.

Umaga nitong Lunes nagsimula ang libreng sakay, na pinilahan sa barangay hall ng mga mag-aaral.

Nasa apat na estudyante ang naihahatid kada batch mula barangay hall hanggang eskuwelahan na nasa 1-2 kilometro ang layo.

Ayon sa punong barangay na si Judy Concepcion, layunin ng proyektong matulungan ang mga nag-aaral sa elementarya para ligtas silang makarating ng paaralan.

Napansin kasi ni Concepcion na maraming estudyante ang naglalakad lang papunta sa eskwelahan, aniya.

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.