PatrolPH

Residential area sa Makati nasunog

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2021 11:17 PM

Sumiklab ang isang residential area sa Brgy. Guadalupe Viejo sa Makati, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, unang naireport ang sunog sa Palm Village bandang 4:29 p.m. Umabot ng ikalawang alarma ang sunog.

Nagsimula umano ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang residente.

Agad naman nakontrol ang sunog at bandang 5:24 p.m. ay naideklarang fire out, ayon kay Fire Supt. Flor Ian Guerrerro.

Nasa apat na bahay at 18 na residente ang naapektuhan ng apoy. Wala naman naitalang nasugatan o namatay sa insidente.

Nasa P1.2 milyon ang tinatayang halaga ng ari-ariang tinupok.

Inaalam pa rin ang sanhi ng sunog.

— Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.