Pusher timbog, P4.3-milyong halaga ng shabu narekober

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 03:08 PM | Updated as of Sep 12 2019 07:36 PM

MAYNILA (UPDATE) -- Nasa P4.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa naaresto umanong tulak sa Dasmariñas City, Cavite ngayong Huwebes.

Dinampot ng Cavite police ang suspek na si Ally Guro nang magpositibo ang buy-bust operation sa kaniyang bahay sa Barangay Paliparan 2.

Itinuturing na high-value target si Guro, ayon kay Col. William Segun, direktor ng Cavite police.

Watch more in iWant or TFC.tv

Limang bulto ng hinihinalang shabu na nakalagay sa plastik na may timbang na 550 ang nakuha sa suspek.

Ayon sa suspek, binabayaran lang siya para mag-deliver ng shabu sa Baclaran.

Dalawang buwan pa lang umanong tumitigil sa pagiging gym instructor ang suspek para raw maging sidewalk vendor.

Iniimbestigahan na ang iba pang kasamahan ni Guro sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ulat nina Zhander Cayabyab at Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.