Lalaki huli sa 'pangmomolestiya' sa babaeng mentally challenged

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 05:10 PM | Updated as of Sep 12 2019 06:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Natimbog ng mga awtoridad sa Quezon City ang isang construction worker na na-monitor nila sa surveillance camera na nangmolestiya umano ng babaeng mentally challenged.

Sinita ng mga opisyal at tanod ng Barangay San Jose ang suspek na si Rendel Mancera nang makita nila sa pamamagitan ng surveillance camera na minimolestiya nito ang 20 anyos na biktima.

Lumutang din sa barangay ang mag-asawa na nagsabing testigo sila sa pangmomolestiya sa parehong biktima sa barracks ng construction site na pinagtatrabahuhan ng biktima.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang.

Ikinulong ang suspek na sinampahan ng kasong rape.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.