Kasambahay, kasamahan tiklo sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 04:30 AM

MAYNILA—Arestado ang isang kasambahay at kaniyang kasamahan sa buy-bust operation sa Barangay San Antonio, Quezon City Huwebes ng hatinggabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu.

Dati nang nakulong dahil sa ilegal na droga ang target ng operasyon na si alyas Rose na nagtatrabaho bilang kasambahay, ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr ng Cubao Police Station.

Bagong tukoy naman na drug personality ang kasamahan ni Rose, dagdag ni Aquiatan.

Inamin ng mga suspek na gumagamit sila ng droga, pero hindi umano sila nagtutulak.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.