Heavy equipment sinunog ng mga armadong lalaki sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 07:33 AM

Bureau of Fire Protection-Guimbal

ILOILO—Sinunog ng mga armadong kalalakihan ang heavy equipment ng isang construction company sa bayan ng Guimbal, Iloilo Miyerkoles ng gabi.

Pinasok ng mga hindi pa kilalang salarin ang Wilkinson Construction sa Barangay Igcocolo alas-10 ng gabi.

Ginising at dinala nila sa isang lugar ang mga tauhan ng kompanya bago sinunog ang heavy equipment, kabilang ang backhoe at transmit mixer.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa pangingikil ng mga rebelde ang insidente.

"Hindi rin nila makilala kasi nakasibilyan ang mga ito. Kaya sa ngayon hindi pa malinaw kung ano ang motibo nila," ani Guimbal fire marshal Russell Gotera.

May mga impormasyon umano na pinapadalhan ng extortion letter ang kompanya ngunit hindi pa ito kinompirma ng pulisya.—Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.