3 toneladang taklobo narekober sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 05:08 PM | Updated as of Sep 12 2019 08:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tatlong toneladang taklobo ang narekober ng National Bureau of Investigation (NBI) sa operasyon sa Calatagan, Batangas noong Miyerkoles.

Isang entrapment operation ang ikinasa ng NBI laban kay Gilmer Pineda, lider ng grupong nagbebenta ng mga fossilized na taklobo o giant clam.

Ibinebenta ni Pineda sa poseur-buyer ng NBI ang mga taklobo sa halagang P4.5 milyon.

Dinampot ng mga operatiba ng NBI Special Action Unit ang mga suspek matapos bilhin ang 300 kilo ng taklobo.

Itinanggi naman ni Pineda ang mga paratang, at sinabing galing sa bundok ang mga taklobo at hindi sa dagat.

Matagal na raw tinitiktikan ng NBI ang grupo ni Pineda.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Philippine Fisheries Code of 1998.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.