Umano'y hitman at tulak ng droga, patay

Annie Fe Perez, ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 11:30 AM

Nanlaban umano ang suspek sa mga pulis na nagtungo sa lugar para sa reklamong rape laban sa kaniya. Larawan mula sa Talisay City Police

TALISAY CITY – Patay ang isa umanong notorious na hitman matapos na manlaban sa awtoridad sa Sitio Galaxy sa Barangay Tangke, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa awtoridad, rumesponde sila sa lugar para sa kasong rape laban sa suspek na si Billy Baguio.

Pero nang makarating sa lugar, nadatnan nila ang suspek na “high” sa droga at may hawak na baril.

Nanlaban umano ang suspek kaya nabaril ng awtoridad.

Nadala pa sa District Hospital ang suspek pero idineklara na itong dead on arrival.

Napag-alaman ng awtoridad na sangkot sa serye ng pamamaril ang suspek sa lungsod at isa rin umanong hitman at kilalang drug pusher sa kanilang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.