Pulis, sugatan sa pamamaril sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 07:42 AM

NEGROS OCCIDENTAL - Sugatan ang isang pulis matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa labas ng kaniyang bahay sa San Carlos City, Negros Occidental Martes ng gabi.

Patuloy na ginagamot sa ospital si SPO2 Carlos Alob sa tinamo nitong tama ng bala sa tiyan, binti, at kamay.

Base sa imbestigasyon ng San Carlos police, lumabas ang biktima para bumili ng sigarilyo nang pagbabarilin ng 2 lalaki na nakasakay ng motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang mga salarin at motibo sa pamamaril. - ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.