P1 milyong halaga ng 'shabu', nakumpiska sa Cavite

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 07:53 PM

Nakumpiska ang nasa P1 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking umano'y tulak ng droga sa Dasmariñas, Cavite nitong Miyerkoles.

Ayon kay Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng Dasmariñas Police, nakumpiska sa 26-anyos na suspek ang 3 plastic ng shabu na may timbang na 155 gramo at nagkakahalaga ng P1 milyon. 

Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.