Drayber, 2 konduktor huli sa shabu session sa loob ng pinapasadang bus

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 08:50 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inaresto ang isang drayber at dalawang konduktor sa isang terminal sa Taguig City matapos silang maaktuhang gumagamit ng droga sa loob mismo ng bus na pinapasada nila. 

Ayon sa impormasyong nakuha ng National Bureau of Investigation (NBI), gumagamit umano ang mga suspek ng droga tuwing tanghali kapag matumal ang pasahero at walang biyahe. 

“Very alarming ito, kasi public transport ito. Sinusugal natin ang buhay ng riding public” ani NBI Special Task Force chief Gerald Geralde.

Inamin ng konduktor na ginawa niya iyon dahil sa kakulangan sa tulog. Tumanggi naman sa paratang ang drayber at sinabing dati lang siya gumagamit ng droga. 

Nakipag-ugnayan na ang NBI sa may ari ng bus liner matapos matanggap ang report.

Ayon naman sa Taguig police, wala silang impormasyon tungkol sa paggamit ng droga sa terminal. 

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act. 

—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.