Binatilyo patay nang tamaan ng kidlat sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 03:10 PM

Namatay ang isang 13-anyos na lalaki matapos tamaan ng kidlat habang namimingwit ng isda sa dagat na ito. ABS-CBN News

TINAMBAC, Camarines Sur - Patay na nang maisugod sa ospital ang 13-anyos na binatilyo matapos itong tamaan ng kidlat habang namimingwit sa dagat.

Kasama ni Marjun Baliwas ang kaibigang si John Paul dela Cruz, 18, nang mangyari ang insidente sa kalagitnaan ng pag-ulan sa naturang bayan nitong Martes ng gabi.

Pinaalalahanan pa ng guro ang biktima na pumasok pa sa eskuwela ngunit itinuloy pa rin nito ang pamimingwit para may pang-ulam umano sa hapunan. 

Hindi naman alam umano ng mga magulang ni Baliwas ang ginawa ng binatilyo.

Nasugatan din si Dela Cruz dahil sa insidente ngunit hindi na kinailangang i-admit pa sa ospital.

Paalala ng awtoridad, umiwas muna sa matataas at malalawak na lugar kung malakas ang ulan na may kasamang pagkidlat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.