Alipunga outbreak idineklara sa 2 bayan sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 04:18 PM

Residente sa Pampanga na may alipunga. Gracie Rutao, ABS-CBN News

Nagdeklara nitong Miyerkoles ng alipunga outbreak sa mga bayan ng Masantol at Macabebe sa Pampanga, ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Nagtala ang Pampanga PHO ng 2,041 kaso ng alipunga sa dalawang bayan.

Nagsagawa na rin nitong Miyerkoles ang provincial government ng Pampanga ng pagbili ng mga anti-fungal ointment para ipamahagi sa mga residenteng apektado ng alipunga sa lalawigan.

Ayon sa Pampanga PHO, marami ang nagkakaroon ng alipunga dahil hanggang ngayon ay maraming barangay pa rin sa mga nasabing bayan ay lubog sa bahang dulot ng high tide at mga pag-ulang dala ng habagat noong nakaraang buwan.

Ang alipunga o athlete's foot ay impeksiyon sa paa na nagdudulot ng pagbibitak at matinding pangangati ng balat dulot ng fungus.

Bukod sa alipunga, pinangangambahan ding tumaas ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis sa lalawigan dahil sa baha.

-- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.