8 gumagawa umano ng mga pekeng dokumento, timbog sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 09:37 PM | Updated as of Sep 12 2018 11:00 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkoles sa Recto, Maynila ang walo katao dahil sa paggawa umano ng mga pekeng dokumento.

Pangunahing target ng operasyong ikinasa ng NBI Anti-Graft Division si Paolo Guevarra dahil sa paggawa niya ng mga "class A" at "slightly original" na pasaporte.

Tumanggap umano si Guevarra ng P3,000 mula sa operatiba ng NBI na nagpanggap na kostumer para gumawa ng pekeng pasaporte.

Inamin ni Guevarra na nanggaling sa mga luma o napaso nang mga pasaporte ang ilang pahina ng mga ginagawa niyang pasaporte.

Kabilang sa mga dokumentong nakumpiska ng mga awtoridad ang mga pekeng pasaporte, NBI clearance, diploma, lisensiya at titulo ng lupa.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong falsification of public documents at paglabag sa Philippine Passport Act.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.