6-wheeler truck sumalpok sa tindahan; 3 sugatan

Justin Aguilar, ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 07:59 PM

Yupi ang harapan ng isang 6-wheeler truck matapos sumalpok sa isang tindahan sa La Trinidad, Miyerkoles. ABS-CBN News

Tatlo ang sugatan matapos sumalpok ang isang 6-wheeler truck sa isang general merchandise store sa La Trinidad, Benguet nitong Miyerkoles.

May nahagip din itong isa pang truck.

“Nahagip nga ‘yung side mirror ko eh, ang bilis, ‘zooom’ tapos bumulusok siya doon,” ani Richard Araes, nagmamaneho ng nahagip na truck.

Ligtas naman si Ryan Montealto, driver ng 6-wheeler truck, kahit nayupi ang harap ng sasakyan. Ayon sa kaniya, ipapaayos niya sana ang truck sa lugar.

“Nawalan lang po ng preno, ma'am. Bigla na lang,” aniya.

Ito rin ang palagay ng mekanikong si Robert Akiapat Jr.

“Mainit ‘yung gulong sa harap kaya mukhang nag-lose brake talaga,” aniya.

Nagdulot ng matinding trapik sa lugar ang insidente. Pasado ala-una na ng hapon naalis sa daan ang truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.