5 lalaking nag-iinuman sa QC, nahulihan ng droga

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 07:41 AM | Updated as of Sep 12 2018 08:57 AM

MANILA - Kalaboso ang 5 lalaki, kabilang ang 4 na estudyante, matapos mahuling nag-iinuman sa kalsada at makuhanan ng ilegal na droga sa Barangay Piñahan, Quezon City Miyerkoles ng madaling-araw. 

Kabilang sa mga dinampot ang 20-anyos na si alyas Jon, 2 grade 11 na mag-aaral at 2 pang grade 9 students. 

Ayon sa pulisya, nagtungo sila sa lugar matapos magsumbong ang isang residente ukol sa ilegal na aktibidad ng grupo. 

Naaktuhan ang mga lalaki na nag-iinuman. Nang kapkapan si Jon, nakuha sa kanya ang isang pakete at isang glass tube ng hinihinalang marijuana 

Aminado si Jon na gumagamit siya ng marijuana, habang iginiit naman ng mga kasamahan niya na nag-iinuman lang sila sa lugar.

Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.