2 negosyante, patay sa pamamaril sa Cagayan Valley

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 07:39 AM

ISABELA - Patay ang 2 negosyante sa magkahiwalay na pamamaril sa Cagayan Valley.

Nitong Lunes ng gabi, binaril sa loob ng kaniyang tindahan si Zenaida Cristino sa Ilagan, Isabela.

Agad binawian ng buhay ang 61-anyos na biktima sa isang tama ng bala sa katawan.

Patuloy namang hinahanap ng mga pulis ang suspek matapos maplakahan ang motorsiklong gamit nito.

Sa Solano, Nueva Vizcaya, patay rin sa pamamaril ang negosyanteng si Antonio Lim.

Natagpuan ang 73-anyos na biktima sa loob ng kaniyang sasakyan na inabandona sa Barangay La Torre South, Bayombong.

Narekober sa crime scene ang 3 basyo ng bala nang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa pamamaslang kay Lim. - ulat ni Harris Julio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.