TINGNAN: Kalsada sa Cavite nagkabitak-bitak dahil sa ulan

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 08:16 PM

Retrato mula kay Aezelle Loyola

Retrato mula kay Aezelle Loyola

Retrato mula kay Aezelle Loyola

Nagkabitak-bitak ang isang kalsada sa Barangay Kalubkob, Silang, Cavite dahil sa malakas na ulan at pagbaha nitong Martes.

Ayon sa mga residente, nadatnan na lamang nila ang nagkabiyak-biyak na mga piraso ng aspalto na nagkalat sa intersection ng kalsada papuntang Barangay Batas.

Agad namang rumesponde ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Municipal Engineering Office upang maresolbahan ang isyu.

Ni-layer daw muna ang aspalto atsaka tinapalan ng materyal upang pansamantalang madaanan ang kalsada.

Sa kasalukuyan, light vehicles pa lang ang maaaring makadaan doon. 

Babalik umano ang DPWH at Municipal Engineering Office upang maayos na nang pangmatagalan ang kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.