Sanggol patay nang mabagsakan ng pader

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 03:54 PM

LUCENA, Quezon - Patay ang isang 4-buwang-gulang na sanggol matapos maguhuan ng pader ang kanyang bahay sa bayan na ito, Martes. 

Kasagsagan ng malakas na ulan na dala ng Bagyong "Maring" nang mabuwal ang pader sa likuran ng Mount Carmel Diocesan General Hospital at bumagsak sa bahay ng biktima, ayon kay Janet Gendrano, hepe ng Lucena disaster council. 

Nasawi ang hindi pa pinapangalanang sanggol habang nilalapatan ng lunas. 

Nailigtas naman ng mga awtoridad ang tatay ng bata na si Reniel Abas at isa pang lalaki, na kapwa natabunan din ng pader.

Una nang nagbabala ang PAGASA na makakaranas ng malakas na pag-ulan ang Bicol, Calabarzon, Mimaropa, Metro Manila, Central Luzon at Pangasinan dahil sa Bagyong Maring. 

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center. Ulat ni Ronilo Dagos 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.