MRT 2 beses nagka-aberya sa kasagsagan ng ulan

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 08:03 AM | Updated as of Sep 12 2017 09:02 AM

MANILA - Dalawang beses na nagpababa ng mga pasahero ang Metro Rail Transit Line 3 nang magka-aberya sa gitna ng malakas na ulan na dala ng Bagyong "Maring," Martes. 

Alas-5:23 ng umaga nagkaproblema ang wiper ng isang southbound na bagon, dahilan para magpababa ito ng mga pasahero sa Shaw Boulevard station. 

Muling nagka-aberya ang isang tren alas-7:23 ng umaga kaya napilitan ding bumaba ang mga pasahero sa Ayala Avenue station. 

Nitong Lunes lang, 3 beses ding nagpababa ng mga pasahero ang MRT, bukod pa sa 2 beses na paglilimita ng biyahe nito, ayon sa website nito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.