60 pamilya, apektado ng sunog sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 02:20 PM

Nasa 60 pamilya ang apektado matapos masunog ang mahigit 30 bahay sa Barangay Tangos sa Navotas, Lunes.

Bandang alas-6 ng gabi nang sumiklab ang apoy, na mabilis kumalat dahil sa pagkakadikit-dikit ng mga bahay.

Nahirapang tumugon ang mga bumbero dahil sa sikip ng eskinita papasok sa pinagyarihan.

Inabot ng halos tatlong oras bago tuluyang napatay ng mga bumbero ang sunog.

Ayon sa mga bumbero, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang kinilalang Omie Cruz.

Sinisiyasat pa ng mga otoridad ang sanhi ng apoy.

Hindi bababa sa P40,000 ang halaga ng mga napinsala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.