PatrolPH

21 estudyante sa Davao del Norte, hinimatay dahil umano sa matinding init

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2023 04:13 PM

Larawan mula sa Braulio E. Dujali municipal information office
Larawan mula sa Braulio E. Dujali municipal information office

Hinimatay ang nasa 21 estudyante sa bayan ng Braulio E. Dujali, Davao del Norte noong Biyernes ng tanghali dahil umano sa matinding init.

Agad rumesponde ang regional health unit at mga rescuer para bigyan ng first aid ang mga mag-aaral ng Dujali National High School. 

Ayon municipal information office, 21 estudyante ng Grade 7 at 8 ang dinala sa regional health unit matapos makaranas ng heat exhaustion at panic attacks.

Watch more News on iWantTFC

Dagdag ng municipal health office ng Braulio E. Dujali, dahil ito sa matinding init ng panahon, at ang ilang estudyante ay nahawa sa takot ng kanilang mga kaklase kaya sunod-sunod ang insidente ng pagkahimatay.

Noong Setyembre 8, naitala ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office ang 40 degrees Celsius na heat index bandang alas-2 ng hapon, na nasa extreme caution level.

Nag-emergency meeting ang lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno para tugunan ang insidente at mag-inspeksyon sa paaralan noong Lunes, lalo't naiulat na nararamdaman ang matinding init sa mga classroom.

— Ulat ni Hernel Tocmo

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.