Lalaki tiklo nang tangkain umanong holdapin ang isang pulis sa Cebu City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Lalaki tiklo nang tangkain umanong holdapin ang isang pulis sa Cebu City

Lalaki tiklo nang tangkain umanong holdapin ang isang pulis sa Cebu City

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 11, 2022 12:54 PM PHT

Clipboard

Nahuli ang isang holdaper matapos umano niyang tangkaing biktimahin ang isang pulis na off-duty sa Cebu City. Retrato mula sa Cebu City Police Office Station 2
Nahuli ang isang holdaper matapos umano niyang tangkaing biktimahin ang isang pulis na off-duty sa Cebu City. Retrato mula sa Cebu City Police Office Station 2

Nahuli noong Sabado ang isang lalaki matapos umano niyang tangkaing holdapin ang isang off-duty na pulis sa Cebu City.

Ayon sa ulat ng Cebu City Police Office Station 2, nagbibisikleta si Patrolman Segred Paul Yorpo nang biglang harangin ng suspek na sakay ng motorsiklo sa may Barangay Capitol Site.

Si Yorpo ay nakadestino sa Mandaue City Police Office.

Tinutukan umano ng suspek ng baril si Yorpo pero nahuli siya nito nang kukuhanin na sana niya ang cellphone ng pulis.

ADVERTISEMENT

Kinumpiska ng pulis ang isang .38 caliber revolver na may 5 bala. Nakuha din ng pulis ang kaniyang cellphone.

Kasong pagnanakaw ang haharapin ng suspek, na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

— Ulat ni Annie Perez

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.