PatrolPH

TINGNAN: Voter registration sa mga mall sa Metro Manila dinagsa

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2021 02:25 PM

Voter registration sa mga mall sa NCR dinagsa 1
Voter registration sa mga mall sa NCR dinagsa 2
Voter registration sa mga mall sa NCR dinagsa 3
Voter registration sa mga mall sa NCR dinagsa 4

Pinilahan ang voter registration sa ilang mall sa Kamaynilaan. Johnson Manabat, ABS-CBN News

Pinilahan ang voter registration sa ilang mall sa Kamaynilaan. Johnson Manabat, ABS-CBN News

Pinilahan ang voter registration sa ilang mall sa Kamaynilaan. Johnson Manabat, ABS-CBN News

Pinilahan ang voter registration sa ilang mall sa Kamaynilaan. Johnson Manabat, ABS-CBN News

MAYNILA - Pinilahan ang pag-arangkada ng voter registration sa mga mall sa Kamaynilaan ngayong Sabado. 

Matatandaang binuskan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa mga lugar na naka-modified enhanced community quarantine, kagaya ng Metro Manila. Ngayong Sabado rin sinimulan ang pagpaparehistro sa mga mall. 

Kabilang sa mga dinagsa ang isang mall sa Quezon City. 

 

Makikita sa mga retrato ang mga magpaparehistro sa mga upuan, bilang pagsunod sa physical distancing protocols. 

May ilan din na nakapila sa labas ng mall, bitbit ang kanilang voter registration requirements. 

Dinagsa rin ang voter registration site sa isang mall sa Maynila. 

May mga guwardiya rin na puspusan ang pagpapaalala sa mga magpaparehistro na sundin ang distancing protocols para makaiwas sa COVID-19. 

Sabi ng pamunuan ng Robinsons Malls, bukas ang 37 nilang malls sa buong bansa para sa voter registration ng Comelec. 

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, umabot na sa 5-milyon ang bagong registrants, lagpas sa inaasahang bilang na 4-milyon.

Sabi ni Jimenez, 62 milyon na ang mga rehistradong botante sa bansa para sa susunod na halalan. 

-- May mga ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.