PatrolPH

BAGONG RECORD HIGH: Pilipinas nakapagtala ng 26,303 COVID-19 cases

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2021 06:16 PM

Pagbabantay ng mga barangay official sa Brgy 7 sa Caloocan City noong Setyembre 10, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Pagbabantay ng mga barangay official sa Brgy 7 sa Caloocan City noong Setyembre 10, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA—Nakapagtala ng 26,303 kaso ng COVID-19 ang bansa, ayon sa Department of Health, na panibagong record high para sa Pilipinas. 

Dalawang laboratoryo anila ang hindi nakapagsumite ng datos. 

Ayon sa ahensiya, 1,608 sa mga kaso ay dapat naisama noong Setyembre 10, habang ang nalalabing 24,695 na kaso ay para ngayong Sabado. 

Watch more on iWantTFC

Lumagpas na rin sa 2.2 milyon ang mga nagkaka-COVID-19 sa bansa simula nang mag-umpisa ang pandemya. 

Nasa 79 naman ang nadagdag sa mga namatay kaya halos 35,000 na ang kumpirmadong fatalities ng sakit. 

Nadagdagan naman ng 16,013 ang gumaling; sumatutal 1,985,337 ang nakarekober. 

Nasa 27.6 porsiyento naman ang positivity rate. Ibig sabihin higit 1 sa bawat 4 na tine-test ang nagpopositibo sa COVID-19. 

Una nang nabanggit ng mga eksperto na posibleng umakyat sa higit 25,000 ang bilang ng maitatalang COVID-19 cases. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.