MAYNILA — Ipinapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anila'y mga kasabwat ng 4 Nigerian na dawit sa cyberheist kung saan natangay umano ang daan-daang milyon mula sa isang bangko.
>https://news.abs-cbn.com/amp/news/09/08/20/4-nigerian-dawit-sa-pag-hack-pagnanakaw-sa-bangko
Ayon sa NBI, 15 account holders ang pinaghihinalaang ginamit ng sindikato para makapag-withdraw ng mga natangay na pera.
Bibigyan ng ahensiya ng pagkakataon ang mga account holder na magpaliwanag sa kanilang naging partisipasyon sa bank hacking kung mayroon man.
Kabilang sa mga pinagpapaliwanag ang Pilipinang nobya ng isa sa mga suspek.
Umamin ang babae na ginamit ng nobyo niyang Nigerian ang kanyang account pero ang alam umano niya ay para lang iyon sa pag-withdraw ng pambayad ng tuition.
Martes nang hulihin sa Muntinlupa ang 4 na Nigerian dahil sila ang suspek sa hacking ng isang bangko sa Maynila.
Itinanggi naman nila ang mga paratang at sinabing mga estudyante raw sila rito at walang alam tungkol sa pagha-hack.
—Mula sa ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, krimen, cyberheist, bank, hacking, hacker, Nigerian, sindikato