Trak nawalan ng preno, nahulog sa kanal sa Davao City; 4 patay

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 03:22 PM

DAVAO CITY - Aabot sa apat na pahinante ang namatay nang mawalan ng preno ang isang truck sa Davao City nitong Miyerkoles. 

Patuloy pang tinutukoy ng mga awtoridad ang pangalan ng mga namatay, na pawang mga construction worker. 

Batay sa paunang imbestigasyon ng Davao City Police, maghahatid lang sana ng construction materials ang mga nasa truck nang mawalan ng preno ang sasakyan. 

Sinubukan pa raw ng drayber na ibangga ang trak sa poste para huminto ito. 

Gayunman, naputol ang poste, dahilan para dumausdos ang trak sa kanal. 

Patuloy pang kinukuha ng Urban Search and Rescue Team ng 911 hotline ang ilan pang katawan na naipit sa loob ng trak. 

Accident-prone kung maituturing ang lugar, ayon sa pulisya. 

-- Ulat ni Paul Palacio, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.