Lalaki patay sa pamamaril sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 07:12 AM

DAVAO CITY—Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay Lubogan, Toril District, Davao City Martes ng gabi.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Chrislier Laguna.

Base sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril ang biktima habang nakaupo sa traysikel kasama ang kaniyang nobya.

Ayon sa kapatid ni Laguna, nakatanggap kamakailan ng banta sa buhay ang biktima kaya lumipat sa Davao City mula Bukidnon.

Binaril din si Laguna dati ng kaniyang kaaway umano sa trabaho. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.