12 nasagip sa 'pambubugaw' sa resort sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 07:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Labindalawang menor de edad ang nasagip ng National Bureau of Investigation mula sa pambubugaw sa isang resort sa Quezon City.

Nasa edad 14 hanggang 17 ang nasagip na mga babae, na pinapangakuan umanong babayaran ng P2,500 para magpunta sa mga birthday at iba pang pagdiriwang sa mga hotel at resort.

Sa operasyong ikinasa sa isang resort sa Novaliches, nahuli rin ang mga bugaw ng mga babae na sina alyas "Dale," 14 anyos, at ang kasabwat nitong babae.

Si "Dale" umano ang tumanggap ng perang pambayad ng mga operatibang nagpanggap na kostumer.

Itinanggi naman ni "Dale" ang paratang na nambubugaw siya.

Kakasuhan ang pamunuan ng resort at ang babaeng bugaw ng human trafficking at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Aalamin naman ng Department of Social Welfare and Development kung nasa huwisyo si "Dale" para makita kung dapat ba siyang kasuhan. -- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.