P4.5-M marijuana nasamsam sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2018 08:04 AM

MANILA - Nakumpiska ng pulisya ang nasa P4.5 milyon na halaga ng hinihinalang marijuana mula sa 6 na indibidwal sa Cubao, Quezon City, Lunes ng gabi. 

Target ng operasyon ang apartment unit sa Barangay Immaculate Concepcion ng mga suspek na sina alyas Ann at alyas Green, isang kasambahay.

Nakabili sa kanila ang mga operatiba ng P1,000 halaga ng umano'y marijuana.

Kalaunan, inaresto ang 4 na iba pang suspek na nasa apartment, kabilang ang isang 16-anyos na binatilyo.

Nasamsam sa lugar ang 27 piraso ng naka-plastic na marijuana, 7 pang bloke ng naturang droga at P26,000 na cash. 

Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.