Higit 60 na naninigarilyo sa pampublikong lugar sa QC hinuli

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2018 08:02 AM

MANILA - Inimbitahan sa istasyon ng mga pulis ang nasa 60 indibidwal matapos mahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar sa Quezon City nitong Lunes ng gabi. 

Mahigpit na ipinagbabawal ang naturang aktibidad sa ilalim ng isang ordinansa. 

Dalawampu sa mga lumabag nito ay nahuli sa Oplan Galugad sa Barangay San Martin De Porres habang 18 pa ay dinampot sa Barangay Valencia. 

Nasa 24 naman ang nahuling naninigarilyo sa isang bus terminal sa E. Rodriguez Avenue. 

Walang menor de edad sa mga nahuli. 

Dinala sila sa Quezon City police station 7, kung saan isinailalim sila sa profiling bago pinaalis ng stasyon. 

Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.