14 patay sa jeep na nahulog sa bangin ng Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2018 09:21 PM | Updated as of Jan 27 2020 03:48 PM

Kuha ni Lyn Madayos Dalingay

(UPDATED) Labingapat katao, karamihan ay senior citizen, ang namatay matapos mahulog nitong hapon ng Martes ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa isang bangin sa bayan ng Balbalan, Kalinga.

Bandang alas-2 ng hapon nahulog ang inarkilang jeep sa bangin na may lalim na 80 metro.

Sa ulat ng pulisya, pauwi na sana ang mga senior citizen matapos kuhanin ang kanilang mga pensiyon nang mangyari ang aksidente.

Nasa 30 naman ang sugatan sa pangyayari kabilang ang tsuper ng jeep.

--Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News
 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.