3 Taiwanese, 1 Pinay timbog sa pagpuslit ng mga sangkap ng shabu

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2018 11:22 AM | Updated as of Sep 11 2018 04:07 PM

Watch more in iWantTFC

Timbog ang tatlong Taiwanese national at isang Pinay matapos maaktuhang nagpupuslit ng mga kemikal sa paggawa ng shabu gamit ang bangka sa Infanta, Quezon bandang alas-4 umaga ng Martes.

Lulan ng isang fishing vessel, nahuli ang apat sa Lamon Bay na may dalang mga umano'y sangkap sa paggawa ng shabu.

Ayon sa Philippine National Police—Drug Enforcement Group (PNP-DEG), ilang buwan ding minanmanan ng kanilang intel division ang grupo dahil may impormasyon silang natatanggap sa ilegal na gawain nito.

Pangingisda ang front na negosyo ng grupo para hindi mabisto na nagbabagsak sila ng mga kemikal ng shabu sa probinsiya.

Unti-unti umano ang pagdadala ng sangkap sa Infanta at maaaring sa bayan na rin ito titimplahin hanggang maging ganap na shabu.

Patuloy ang imbentaryo ng mga ebidensiya at ang imbestigasyon kung kanino dadalin ang mga sangkap.

—Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.