12 huli sa buy-bust sa Angeles

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2018 04:55 AM

PAMPANGA - Arestado ang 12 katao sa buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga.

Kabilang sa mga nahuli ay ang isang 55-anyos na ginang na nagpapatakbo umano ng drug den sa Hadrian St., Balibago.

Nakumpiska sa kanila ang 15 pakete ng hinihinalang shabu. Tinatayang may bigat itong 30 gramo na may street value na P204,000.

Isinagawa ang operasyon ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Angeles City Police Office, at Police Station 4.

Mahaharap ang mga hinuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.