Ilang mga taga-Tacloban, inalala ang kaarawan ni dating pangulong Marcos

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2016 06:44 PM

TACLOBAN CITY - Isinagawa ang isang misa para gunitain ang kaarawan ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa Sto. Niño Church sa Tacloban City.

Bukod sa misa, nagsindi rin ng 99 na kandila ang mga dumalo sa misa. Hinandugan rin ng awit ang dating pangulo.

Isa sa dumalo sa misa si Mayor Cristina Gonzales-Romualdez, asawa ni Representative Alfred Romualdez, ang pamangkin ni dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Ilang mga mag-aaral na dumalo sa misa ang sang-ayon sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil marami naman itong nagawa para sa bansa.

Ilan namang mga mag-aaral ang nagsabing may attendance ang kanilang pagdalo sa aktibidad.

Sa labas ng simbahan ay may mga tarpauline na nagpapakita ng pagsuporta sa dating pangulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.