MANILA -- Kinuwestiyon ng mga senador si dating presidential economic adviser Michael Yang isang pagdinig nitong Biyernes tungkol sa kanyang ugnayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinakita sa Senado ang video na mismong si Yang ang nagpapakilala sa pangulo sa ibang mga kasama nitong negosyante.
Napansin ni Senador Richard Gordon ang pagiging masyadong pamilyar ni Yang at kumpiyansa sa kanyang ginagawang pagpapakilala sa pangulo.
Nabanggit ito ni Gordon matapos gumamit ni Yang ng interpreter sa pagdinig.
Sabi ni Yang, sa pamamagitan ng kanyang interpreter, na limitado lang ang kanyang alam na Tagalog.
Sabi ni Gordon, hindi dapat pinalalabas ni Yang na kailangan pa nito ng interpreter o translator noong siya pa ang presidential economic adviser na siyang direktang nakikipag-usap sa pangulo.
Sa video, makikitang kasama ni Yang sina Huan Tzu Yen, Allan Lim, at Cheng Bingquiang.
Natanong din ni Gordon kung gaano kakilala ni Yang si Allan Lim na iniuugnay naman sa iligal na droga.
Aminado si Yang na magkakakilala na sila ni Lin Wei Chiong noon pang 2013.
Ipinakita pa ni Drilon ang profile ng isang drug personality na may pangalang Wen Li Chen alyas Allan Lim subalit hindi ito makilala ni Yang dahil blurred anya ang mga larawan.
Muling nagpakita si Gordon ng iba pang larawan na nasa beach si Yang kasama pa rin ang isang Allan Lim. Nasa larawan din si Sen. Bong Go at Congressman Alan Peter Cayetano.
Pero sabi ni Yang, hindi niya makumpirma kung iisang tao lang ang sinasabi ni Gordon sa larawan at ang kilala niyang Lin Wei Chiong.
Kumbinsido rin si Senate Minority Leader Franklin Drilon na may nagsisinungaling sa mga ipinatawag nilang resource person sa pagdinig ng Senado.
“Here is a resource person who is lying on the record, because he says the funds were corporate funds but the financial statement indicates that beginning of 2020 they had only P625,000 which is the paid-up capital. Clearly the corporation has no capacity to pay the initial order of P54 million. So it is not true at all and there is a deliberate effort to mislead the committee by saying that this is are corporate funds," ani Drilon
Banta ni Drilon, may kapangyarihan ang Senado na magdetine ng resource person hanggang hindi ito nagsasabing totoo.
Sabi pa ni Drilon, bukod kasi sa pagiging evasive, malinaw ang pagsisinungaling ni Linconn Ong.
Depensa ni Ong, sinagot lamang niya ang specific na naunang tanong patungkol sa P500,000 surgical mask na una nilang transaksyon.
“That time I have access to supplier that the suppliers willing to give us the stocks. ‘Pag nakakuha na kami ng bayad sa gobyerno saka namin siya babayaran.” sabi ni Ong
Hindi kumbinsido ang mambabatas sa mga sagot ni Ong.
Ipinaaresto ni Drilon si Ong at mananatiling nakadetine hanggang hindi nagsasabi ng totoo.
“I move to arrest this Mr. Linconn Ong and detain him until he answers the questions and until he tells us the thruth.” ani Drilon.
Samantala, nilinaw din ni Michael Yan ang kanyang naunang pahayag na wala siyang alam sa Pharmally at sa mga balita lang niya ito nalaman.
“Mr Chairman, what Mr. Yang said is that time when he introduced Linconn to the suppliers is he also told them that they can trust Mr. Linconn in terms of payment and this is Chinese way of doing business is mainly because of trust,” ayon sa interpreter ni Yang.
Senate Blue Ribbon Committee, Michael Yang, Michael Yang warrant of arrest, Pharmally, Senate, Linconn Ong, pandemic funds, Rodrigo Duterte, TV Patrol