PatrolPH

'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2020 08:05 PM

'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles 1
Hinatiran ng Pantawid ng Pag-ibig ng relief packs ang daan-daang pamilya sa isang barangay sa Mariveles, Bataan kasunod ng hiling ng isang residente. ABS-CBN

Pangingisda ang tanging kabuhayan ng karamihan ng mga residente sa Sitio Kinalakan, Barangay Ipag sa bayan ng Mariveles, Bataan.

Kung dati ay masagana ito, halos wala nang mahuling isda ngayon ang mga residente dahil sa madalas na pagdaan ng mga bagyo at illegal fishing. Lumala pa ang sitwasyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Pinagkakaysa na lang ni Marvin Gulbe ang kaunting isdang nahuhuli niya para may maibenta at maipakain sa kaniyang pamilya.

"Dati halos... P700, ngayon madalang na, hanggang P300 o P200 na lang. Minsan wala pa," aniya.

Naaksidente naman noong 2018 ang kapitbahay ni Gulbe na si Anthony Espina.

Habang nagwe-welding, nakuryente si Espina at naputol ang 2 braso.

"Wala po kami mapagkuhanan ng panggastos. Wala po nagtatrabaho sa 'min," ani Espina.

Sa kabila ng kondisyon, inspirasyon ni Espina ang kaniyang asawa, kambal na anak, at mga kabarangay na tumutulong sa kanila.

Isang residente ng Mariveles ang sumulat sa ABS-CBN Sagip Kapamilya upang madalhan ng tulong ang Barangay Ipag.

Narating ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pagsakay ng bangka ang Barangay Ipag, at nabigyan ng relief packs ang nasa 900 pamilya.

"Pasasalamat doon sa ABS-CBN na kami ang napili para matulungan," ani Barangay Ipag Chairman Rodito Luyo.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

• Century Pacific Food, Inc.
• Rebisco
• Suy Sing Corporation
• Lucio Tan Group, Inc
• McDonald’s
• Safeguard
• Quick Chow Noodles
• Great Taste 3 in 1
• Sunsilk Shampoo
• Mega Sardines
• Generika Drugstore
• Champion Detergent
• Unilab
• Ritemed
• Hana Shampoo
• Coca-Cola
• Colgate Palmolive
• Kopiko
• Ligo Sardines
• CDO Foodsphere
• IPI
• Lucky Me
• PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

• Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
• Intermed Marketing Phils, Inc
• Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
• Pampanga's Best
• RFM Fiesta Pasta
• Wilcon Depot
• Aboitiz Group
• Benby Enterprises Inc.
• Bistro Group
• Champion Detergent Bars
• Coca-Cola
• Green Cross
• Greenwich Binondo Branch
• Hanabishi
• Jollibee Binondo Branch
• Chowking Binondo Branch
• Kenny Rogers Roasters
• Lemon Square
• Master Sardines
• Nature’s Spring
• NutriAsia
• Philippine Egg Board Association
• Poten-Cee
• Silka Soap
• Starbucks Philippines
• Sun Life Foundation
• Tolak Angin
• Century Pacific Foundation
• JP Morgan
• Suy Sing Commercial Corporation
• Ajinomoto
• Beautederm Corporation
• Cebuana Lhuillier Foundation Inc
• Deli Mondo Food Specialties Inc
• JAKA Group
• GCash
• Lazada
• P&A Grant Thornton Foundation Inc
• PICPA Metro Manila
• Rotary Club of Makati
• SC Johnson
• SEAOIL
• TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles 2
'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles 3
'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles 4
'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles 5
'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles 6
'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles 7
'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles 8
'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 900 pamilya sa Mariveles 9

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.