Mag-amang nagmo-motor umiwas sa aso, sumemplang sa barrier

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2020 01:28 PM

MAYNILA - Sugatan ang isang lalaki at kaniyang anak matapos sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Quezon City, Huwebes ng umaga. 

Ayon sa mga rumespondeng taga-barangay, magka-angkas sa motorsiklo ang 2 biktima habang binabaybay ang Quezon Avenue nang makasalubong ang isang aso sa center island. 

Iniwasan ito ng driver, dahilan para mawalan siya ng kontrol sa motor at matumba. 

Nagtamo ng bali sa paa at sugat sa katawan ang mga biktima.

Mabilis naman silang nalapatan ng first aid at itinakbo sa ospital. Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN TeleRadyo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.