Gobyerno wala raw online trolls, ayon sa PCOO official
ABS-CBN News
Posted at Sep 10 2020 06:40 PM
MAYNILA — Itinanggi ng Communications office ng pamahalaan na may pinapasahod silang online trolls na bumabanat sa mga kritiko ng gobyerno.
Sa panayam ng TeleRadyo kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Kris Ablan, sinabi nitong "content" ang ginagawa ng kanilang unit at hindi online trolling.
"Wala po kaming trolls. Ang meron pong unit namin 'yung social media unit na gumagawa ng content. Wala pong nagmo-monitor, content po ang ginagawa," ani Ablan.
Samantala, sinabi ni Ablan na balak kausapin ni PCOO Secretary Martin Andanar si Undersecretary Lorraine Badoy.
Inakusahan kasi si Badoy ng ilang mambabatas ng "red tagging," dahilan para suspendihin ang hearing noong Miyerkoles para sa hirit nilang budget.
Nilinaw din ni Ablan na personal itong opinyon ng naturang opisyal.
Balak din nilang kausapin ang Makabayan bloc para magpaliwanag ukol sa mga kuwestiyonableng posts ni Badoy.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, trolls, online trolls, PCOO, Lorraine Badoy, Makabayan bloc, red tagging, Martin Andanar, Kris AblanPatrolPh, Tagalog news, balita, trolls, online trolls, PCOO, Lorraine Badoy, Makabayan bloc, red tagging, Martin Andanar, Kris Ablan