Ama, teenager na anak pinaulanan ng bala sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2020 07:17 PM

CEBU CITY — Patay ang mag-ama sa lungsod na ito matapos silang paulanan ng bala nitong Huwebes ng umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang pamamaril sa Sitio Mohon 3, Barangay Tisa pasado alas-10:30 ng umaga. 

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Ruben Requinto Quita, 48, at isang AWOL na pulis.

Ang ikalawa namang biktima ay ang binata niyang anak na si Gavin Quita, 19.

Sakay ng kanilang kotse ang mag-ama kasama ang 2 pang pasahero nang biglang may dumating na 4 na lalaki at pinaulanan sila ng bala. 

Dead on the spot si Ruben, habang naisugod pa sa pagamutan ang anak nito pero binawian din ng buhay.

Ang dalawang sakay, na pawang nasa edad 16 at 8, ay nakaligtas sa pananambang. 

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.  —Mula sa ulat ni Annie Perez 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.