Taas-presyo sa ilang bilihin nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2019 08:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakaambang tumaas ng hanggang P1 ang presyo ng ilang brand ng ilang bilihin, ayon sa opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI). 

Maglalabas ang DTI bago mag-Setyembre 25 ng listahan ng bagong suggested retail price, kung saan may pagtaas sa presyo ng ilang brand ng sardinas, gatas, kape at instant noodles.

Nanindigan ang DTI na hindi pangingikil sa manufacturers ang pagpataw ng SRP. 

"'Pag sinabmit nila sa atin 'yong kanilang presyo, kasama na 'yung profit margin nila doon e. So ano ang sinisikil ng DTI? Vina-validate lang naman natin kung tama ang sinasabi nila," ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Ipinaliwanag din ni Castelo kung bakit mas mahal ang presyo ng bilihin sa convenience store kompara sa mga supermarket.

"Because of the conveniences it provides. Siyempre 'yong 24/7 operations nila, ang kanilang night differential sa labor (ang dahilan)," ani Castelo. 

Puwede namang pag-aralan ang pagpataw ng SRP sa mga convenience store, ayon kay Castelo.

Kasunod ito ng reklamo ni Sen. Imee Marcos sa umano ay sobrang mahal na presyo ng mga bilihin sa convenience store.

Ang brand ng sardinas, halimbawa, ay P27 kada lata sa convenience store samantalang nasa P17.60 ito sa regular na supermarket.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.