2 nagbebenta ng party drugs sa Makati, timbog

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2019 03:42 AM | Updated as of Sep 10 2019 06:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Arestado ang 2 entertainer sa isang bar sa Makati City nitong Lunes dahil sa pagbebenta umano ng party drugs.

Hinuli ang mga suspek nang mabilhan ng nagpanggap na buyer ng P3,000 halaga ng droga, ayon kay Makati City police chief Roger Simon.

Nasamsam sa mga suspek ang 10 tableta ng hinihinalang ecstasy na may street value na P25,000.

Ayon kay Simon, nagbebenta ng party drugs ang 2 suspek sa mga kapwa nito entertainer sa P. Burgos St.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis kung nagbebenta din ang mga suspek sa mga customer.

Depensa nila, na-set up lang sila ng ibang kasamahan matapos pangakuang babayaran kapag iniabot ang droga.—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.