1 patay, 18 sugatan sa banggaan ng bus at wing van sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2019 05:33 PM

Isang pasahero ang namatay habang 18 ang nasugatan sa banggaan ng pampasaherong bus at wing van sa Davao City ngayong Miyerkoles.

Nangyari ang insidente sa MacArthur Highway, Barangay Binugao, Toril district bandang ala-1:15 ng hapon.

Mabilis ang takbo ng parehong sasakyan, ayon kay Lt. Col. Jed Clamor, hepe ng Toril police.

Bigla raw nag-overtake ang bus, na may lulang 40 pasahero, kaya nahagip ang kaliwang bahagi ng wing van, na papuntang Digos City at may kargang softdrinks at bottled water.

-- Ulat ni Vina Araneta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.