Mag-asawa, timbog sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Quezon City

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2018 12:53 AM

Arestado ng mga operatiba ng Station 10 ng Quezon City Police District ang isang mag-asawa na umano'y tulak ng ilegal na droga sa panibagong buy-bust operation sa NIA Road, Quezon City Linggo.

May edad na 59-anyos ang naarestong lalaki habang 49-anyos ang umano'y misis nito.

Ayon kay QCPD Station 10 Deputy Commander Police Chief inspector Melchor Rosales, matapos makatanggap ng sumbong mula sa isang concerned cititzen, agad ikinasa ang buy-bust operation laban sa dalawa.

Nang kumagat sa patibong ng pulis na nagkunwaring buyer, agad silang inaresto.

Nakuha mula sa mag-asawa ang walong sachet ng hinihinalang shabu.

Sa loob ng dalawang linggo, naging sunod-sunod ang buy-bust operation sa NIA Road compound, ngunit ayon kay Rosales, magtutuloy-tuloy ang anti-illegal drug operation hanggang hindi nasusugpo ang pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.