PatrolPH

Bigas mula sa tumagilid na van, pinagkaguluhan sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2018 07:26 PM

Watch more on iWantTFC

Hindi napigilan ang mga residente sa pagkuha ng kumalat na bigas ng National Food Authority (NFA) mula sa isang closed van na tumagilid nitong hapon ng Lunes sa Sumulong Highway, Antipolo City.

Sa video na ibinigay sa ABS-CBN News, kita ang mga residente na nag-uunahan sa pagpuno sa mga dalang supot ng bigas na nagkalat sa kalsada.

Ayon sa driver, hindi na niya nakontrol ang van dahil sa bigat ng kargang nasa 100 sakong NFA rice.

Pakurba rin ang daan kaya tuluyang tumagilid ang minamanehong sasakyan.

Nasa 10 sako lamang ng bigas umano ang nagkalat sa kalsada habang agad na nailipat sa ibang sasakyang ang mga hindi nasirang sako.

Agad ding binombahan ng tubig ng mga bombero ang kalsada para hindi na magdulot ng panibagong aksidente ang nagkalat na bigas. --Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.