Ahas, nagdulot ng alarma sa Tacloban airport

Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2018 04:13 PM

TACLOBAN CITY - Isang ahas ang nakita sa departure area ng Daniel Z. Romualdez Airport sa lungsod na ito nitong Linggo ng gabi.

Sa kuha ng pasaherong si Leon Quintos Añover, makikita ang isang maitim na ahas na gumagapang sa sahig, dahilan para magsipaglayuan naman ang mga pasaherong naghihintay para sa kani-kanilang biyahe. Ang ilang pasahero, tumayo pa sa upuan para maiwasan ang ahas.

Watch more in iWant or TFC.tv

Agad din namang naisilid ang ahas sa loob ng sako, ayon kay Añover.

Hindi pa nagpapaunlak ng interview ang mga awtoridad sa airport, ngunit kanila nang inaalam kung bakit nagkaroon ng ahas sa kanilang departure area.