HONG KONG -- Makaka-access na ang publiko kabilang na ang mga turista sa free Wi-Fi hotspots sa mga public hospital sa Hong Kong. Kailangan lamang idownload ang mobile app na Wi-Fi.HK para maka-access ng free wifi.
Sa anunsiyo ng HK government mula na rin kay Food and Health Secretary Prof. Sophia Chan na inilabas sa Legislative Council noong ika-8 ng Setyembre, 2021, sa pamamagitan ng programang "Wi-Fi Connected City" na ipinatutupad ng Office of the Government Chief Information Officer o OGCIO, may ilang telecommunications service operators na ang nagbibigay ng public access sa free wifi on a voluntary and self-funded basis. Ito ay sa ilalim ng Public-Private Collaboration o PPC.
Available na ang free wifi sa 16 pampublikong ospital sa HK sa ilalim ng PPC habang may 27 public hospitals naman ang pinondohan ng OGCIO para sa probisyon ng free wifi.
Ayon pa kay Sec. Chan, sa ngayon ay saklaw ng free wifi sa loob ng public hospitals ang waiting areas, A & E o Accident and Emergency departments, pharmacies, outpatient clinics at restaurants.
Ang main feature ng Wi-Fi free service ay makagagamit ang publiko o turista ng free 30 minutes na net connection na hindi na kailangang magparehistro pa o di kaya'y magdownload ng app.
Bisitahin ang Wi-Fi.HK para sa iba pang detalye.