PatrolPH

ALAMIN: Galaw sa presyo ng gulay, isda sa Litex Market

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2021 11:16 AM

Dahil sa masamang panahon ay tumaas ang presyo ng isda dito sa Litex Market sa Quezon City.

  • Bangus→P160-200/kilo (dating P140/kilo)
  • Tilapia→P110/kilo (dating P90/kilo)

Tumaas rin ang presyo ng ilang mga gulay:

  • Sili Labuyo→P600/kilo dating P100/kilo
  • sibuyas→P140/kilo dating P120/kilo

Bumaba naman ang presyo ng ilang gulay:

  • Bell pepper→P200/kilo dating: P300/kilo
  • Cauliflower→P250/kilo dating: P300/kilo

Kahit bumaba ang presyo ng ilang gulay ay umaaray ang ilang nagtitinda gaya ni Marites Ontolan. 

"Nahihirapan kami magbenta kasi wala masyado bumibli, minsan lugi pa kami kasi kapag di namin ito mabebenta masisira mga gulay," ani Ontolan. 

Matatandaang binaha ang ilang bahagi ng Kamaynilaan dahil sa ulang dala ng bagyong Jolina. 

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Kaugnay na video: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.