PatrolPH

Lalaking nawala sa kasagsagan ng bagyong Jolina, natagpuang patay

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2021 09:41 PM

Natagpuang patay ang isang 18 anyos na lalaking residente ng Barangay Catigbian, Tanauan, Leyte.

Nakilala ang biktima na si Nathaniel Ripalda.

Unang naiulat na ang biktima kasama ang mga kaibigan ay pumunta sa Binahaan River noong kasagsagan ng pananlasa ng bagyo Jolina nitong nakaraang Martes at tinangay ito ng malakas na agos ng tubig.

Ilang araw itong pinaghahanap ng mga rescuers ngunit patay na itong matagpuan sa Binahaan River na bahagi na ng Barangay Binongtoan sa nasabing bayan nitong Huwebes.

Agad din itong dinala sa isa punerarya dahil ito'y nasa state of decomposition na.

- ulat ni Ranulfo Docdocan
 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.