Paggiba sa Makati Municipal Cemetery para sa columbarium sisimulan sa Oktubre 8: LGU

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2020 03:05 PM

MAYNILA - Sisimulan na ang demolisyon ng Makati Municipal Cemetery sa Oktubre 8 para magbigay-daan sa itatayong columbarium, ayon sa lokal na pamahalaan. 

 

Sa isang Facebook post, sinabi ng Makati city government na dapat nang makipag-ugnayan sa kanila ang mga residenteng may mga kaanak na nakalibing sa sementeryo para sa maayos na paglilipat ng mga ito. 

Matatagpuan ang naturang libingan sa Kalayaan Avenue. 

"Sa darating na Oktubre 8, uumpisahan na ng lungsod ang demolisyon ng sementeryo at ang pagpapatayo ng Makati Columbarium upang matugunan ang pangangailangan ng mga [residente] para sa maayos at disenteng libingan ng mga pumanaw na mahal sa buhay," anila sa post. 

Kung may kaanak na nakalibing sa sementeryo, maaaring makipag-ugnayan sa Makati Health Department (MHD) sa numerong 8870-1609 o 8870-1610.

Bukas anila ang mga linya alas-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, para sa mga tawag. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.